Noong nakaraang Agosto 18 taong kasalukuyan, pormal ng idineklara ang Bayan ng San Luis bilang “Drug Cleared Municipality”. Ang deklarasyong ito ay dinaluhan nina Senior Supt. Leopoldo Echica Cabanag (acting Batangas Police Director), Judge Edwina M. Perez (acting Presiding Judge of San Luis MTC), Senior Insp. Radam Reyes Ramos, Mayor Samuel Noel B. Ocampo at 2nd District Board Member Arlene Magboo. Naroon din sina Vice Mayor Danilo Medina, mga kapitan ng barangay, ABC President Crisostomo Marasigan, at Rev. Fr. Sam Titular. Ang mga sertipiko ay iginawad sa mga barangay ng San Luis na syang idineklarang Drug Cleared hinggil sa istatistika ng Batangas Provincial Police Office, PDEA PRO4A, lokal na pulisya at LGU.

Isang malaking karangalan sa bayan ng San Luis ang maging isang “Drug Cleared Municipality” at unang bayan sa buong Pilipinas na pinagkalooban ng nasabing sertipiko.